Tuesday, February 21, 2012

“Bakit mayroong pag-aaway sa bawat isa?” 22/2/2012

“Bakit mayroong pag-aaway sa bawat isa?” 22/2/2012

Nakikita mo ba na minsan ang ating matamis na pagmamahalan sa isat-isa'y nawawala? Sa isang punto, tayong mga Filipino ay kilala sa kultura ng pagiging malambing at palakaibigang pamilya sa buong mundo. Ang paggalang sa magulang, lolo at lola, ninongs, ninangs at sa mga nakakatanda sa buong pamilya ay karaniwan. Sa ngayon, hindi lamang natin nakikita ang pagtaas ng labanan sa ating kapitbahay, Tumaas na rin ang labanan sa pagitan ng anak at magulang o kapatid.

Nasasaad sa Bibliya sa Santiagao 3:16 “Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama. “ Sa pagtuon ng ating paningin sa krus ni Hesu-Kristo ang siyang makakatulong sa atin upang hindi tayo nakatingin sa ating mga makasariling gusto at upang malayo tayo sa kawalang respeto sa iba.

Ang relihiyon lamang ang nagdiriwang ng part-time o tinatawag na “banal na araw” na maging mabuti sa harapan ni Hesu-Kristo. Ang pagpapako sa krus araw araw na sinasabi sa Lukas 9:23 ang siyang inaasahan ni Hesus na ating gawin. Ang pagkikipag away sa iba at sa mga nararanasan nating problema sa ating pamilya, kapit-bahay at kaibigan ang siyang malaking bahagi sa ating makasariling motibo. Ang relihiyon ay siyang nagpapasiklab o nagdadagdag sa pagkamakasarili. Hindi natin makakamtan ang totoong relasyon kay Jesu-Kristo sa pamamagitan ng pagkarelihiyoso o pagiging banal sa araw ng mga banal lamang. Kinakailangan na isakripisyo natin ang ating mga sarili sa kalooban ng Diyos, titingnan natin kung nasaan na ang iba, at unahin ay ang pang-unawa sa kanilang mga pangangailangan.

Ang respeto ay magiging mahabang daan sa ating relasyon, at nakakatulong upang iwasan ang anumang gulo ngunit ang tunay na mabuting relasyon ay palaging magsisimula at magtatapos sa ating personal na relasyon kay Hesu-Kristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Nakagawa ka na ba ng iyong personal na desisyon upang maiwasan ang relihiyon at kahipoktituhang relihiyon na marka sa iyong katawan maging sa iyong kinikilos at bagkus tanggapin si Hesu-Kristo na iyong Panginoon at Tagapagligtas ng iyong puso? Kinakailangan mo, kilalanin mo Siya ngayon, iwasan ang personal o anumang gulo sa labas.

Pastor Paul “Kuya” Waldmiller  

Friday, February 3, 2012

“Pagtuturo ng Daliri...” Week of 4/2/2012

“Pagtuturo ng Daliri...” Week of 4/2/2012
Ang pagtuturo ng daliri sa ibang tao kung sila ay nakagawa ng kasalanan ay napakagaang gawain at gustong ilihis sa mga tao na makita ang iyong kasalanan. Marami akong nakitang tao na nakaturo ang kanilang mga daliri sa iba ngayong mga panahon na ito subalit hindi man lamang maglaan ng isang minuto upang suriin ang kanyang sarili.


Ang kasalanan ay karumaldumal na bagay at alam nating lahat ito subalit sinabi ni Hesus sa Mateo 7:5 “Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.
kinakailangang suriin natin ang ating mga sarili upang makita natin ito bago tayo manghusga sa iba. Ang ating mga pambansang namumuno ay kanya kanyang turo ng daliri upang husgahan ang isa't isa na sa iba ay tinatawag ngayon na isang People Power upang alisin ang mga “corrupt na opisyales”, kukunti lang ang nagsasabi sa mga bagay na yon ay nagpapakita kung ano ang kanilang mga nagawa sa mga nakalipas o kasalukuyang katiwalian ay itinuturu sa publiko upang magsisi.


Oo, ang pagsisisi kung saan ito man ay hayagan o sarilinan na inaamin sa harapan ng Diyos at sa iba na nagawa nilang kasalanan at pagbabago mula sa masama patungo sa kabutihan, ay kinakailangang gawin bago magturo ng kanilang mga daliri sa mali ng iba. Hindi ko nakikita ang sino man sa ating mga nahalal at ibang opisyales sa gobyerno na sa kasalukuyan ay mayroong pagsisisi na ginagawa, karamihan lang ay pareho, gusto na ilihis ang masamang bagay ng kanilang nagawa para sa iba. Ang problema, sa ganyang pag-uugali ay nakikita ng Diyos ang kanilang puso kahit hindi nakikita ng iba.


Pinaalalahan ko lang po ang karamihan, tayo ay nabubuhay sa mundong ito na puno ng kasalanan subalit si Hesus ay mayroong mabigat na salita doon sa mga nagsasabing mahal nila si Hesus ngunit gumagawa ng kabaligtaran sa gustong ipinapagawa Niya. Tayo ba ay “hipokrito” na tinawag ni Hesus na relihiyoso namamahala sa gobyerno sa kapanahunan niya?


Ang aking dalangin sa ating lahat ay tigilan na ang pagtuturo ng ating daliri kasama na ang ating mga namamahala ay suriin muna ang puso hanggat sa magkaroon ng pambansang oras ng pagsisisi at totoong pagbabago.

Pastor Paul “Kuya” Waldmiller

Sunday, January 15, 2012

Sakripisyo....

Sakripisyo.... 


Alam mo ba talaga ang pagpapakasakit para sa iba? Gusto kong ipagpalagay na nais mong tulungan ang iyong pamilya kahit na sakripisyo para sa isang kaibigan, ngunit nais mo bang magsakripisyo para sa isang taong hindi kilala? Si Jesus sa Bibliya ay naniniwala sa sakripisyo na nasasaad sa Juan 3:16 "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Ang Diyos ay hindi na magpadala ng Kanyang kaisa-isang Anak upang mamatay para sa atin, ngunit sapat na ang pag-ibig niya sa atin at dapat nating papurihan ang Panginoon para sa ganyang desisyon. Kahit na ang Biblia ay nagsasabing kilala na Niya tayo bago pa itatag ang pundasyon ng lupa na ating kinatatayuan, alam ng Diyos na Siya mismo ang nagsasakripisyo para sa atin.
 Nasusulat sa Bibliya na ang pamamaraan ng Diyos ay hindi pamamaraan ng tao at kinakailangan na ang ating mga paningin ay nakatoon kay Hesus na napako. Ang gusto palagi ng ating laman ay taliwas sa Salita ng Diyos at napakahirap gawin ang nasasaad sa Bibliya kung wala ang tulong ng Banal na Espiritu. Marami akong nakikita sa aking mga kababayan na nahihirapan sa kasusubok na malugod ang Diyos sa pamamagitan ng relihiyosong mga gawa, sa halip na sa pamamagitan ng tulong ng Banal na Espiritu at personal na relasyon kay Hesus (hindi ang relasyon sa mga guru, pari, sa simbahan o mga patakaran) na maging masipag ngunit hindi sa mga bagay ukol sa Diyos at ang tugmang bagay sa Bibliya ay nagsasabi sa tamang relasyon sa Diyos. 

Ang pagsasakripisyo lamang ay hindi makakalugod sa Diyos. Hindi, ang Diyos gusto Niya tayo na magkaroon ng totoo at personal na relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu-Kristo. Walang relihiyon, walang patakaran, walang gawang Pilipino na relihiyon ang makapagbibigyan sa iyo kung ano ang nilalayon sa lahat ng tao, lahat ng kultura at sa lahat ng oras; Iyan ang totoong mapagmahal na relasyon sa Diyos. Kinakailangan kung tanungin kita......pagod ka na ba? Pagod na mamuhay sa buhay na walang kahulugan sa mga gawain na hindi 100 porsiyento na may garantisadong pangako sa Bibliya na magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos at sa buhay na walang hanggan kapag ang iyong katawan ay namatay? Pagkatapos aking kaibigan, dapat kang tumingin sa tunay na dahilan ng iyong pakikibaka. Ang iyong mga sakripisyo dito sa lupa ay walang kabuluhan kung wala ang una, personal na kaugnayan doon sa gumagabay sa atin kung ano ang Siyang nais Niyang ipagawa sa atin na naaayon sa Bibliya.
Ang sakripisyo o ang gawa lamang ay hindi man kahit kailan makakapagligtas sa atin sa walang hanggang kapahamakan sa impyerno.
Mga Taga-Efeso 2:8-9 Ito ay sapagkat sa biyaya kayo
     naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa
     inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. ^9 Ito ay hindi dahil sa
     gawa upang hindi magmalaki ang sinuman.
Tayo ay nagsasakripisyo sa mga bagay na iniuutus sa atin ng ating Panginoong Hesu-Kristoat ito ay palaging para sa Kanyang kaluwalhatian; hindi para sa atin. Aking mga kaibigan, hinihiling ko sa iyo pagmasdan mo ang iyong relihiyon. Tingan mo kung ang iyong pananampalataya ay naaayon sa Bibliya na walang pagmamanipula o katiwalian. Ang oras ay malapit na sa muling pagbabalik si Kristo. Siguraduhin mong ikaw ay sa tumpak at tamang paninindigan sa Kanya kapag Siya ay muling nagpakita at ang iyong sakripisyo ay hindi maging walang kabuluhan.
Pastor Paul "Kuya" Waldmiller

Wednesday, January 4, 2012

5/1/2012 Ang Espiritu ng Paghihimagsik....

Ang Espiritu ng Paghihimagsik....


Walang duda na ang paghihimagsik/pagrerebelde ay problema sa Pilipinas. Ang paghihimagsik na aking sinasabi ay hindi sa mga namumuno sa gobyerno, kundi ang aking sinsabi sa oras na ito ay sa mga grupo ng NPA at ng Muslim na naghahanap ng batas na humiwalay, lupain, at bansa na hiwalay sa Pilipinas.

Ang Pilipinas sa kasamaang-palad ay may kasaysayan ng pagkagalit pagdating sa paghihimagsik. Ito ay matapos ang lahat, na ang Pilipinas ay napakabata pang republika kumpara sa iba pang mga bansa para baguhin ng maaga ang dulot na pagkagalit na natural. Para bang mayroong magandang dahilan sa nakalipas upang tumindig laban sa mga banyagang maniniil ngunit ngayon mula na ang ating Republika ay natatag noong 1946 bagay na ibang iba na. Ang Pilipinas ay isang bansa na kayang-kaya magsalita tungkol sa kalayaan, buhay at relihiyon. Ang mga kalayaan na ito ay isang pagpapala ngunit sa kabilang dako ay nagiging isang sumpa. Kinakailangan nating maunawaan kung ano ang Salita ng Diyos na nasasaad patungkol sa pagsunod kung ano ang mabuti and ano ang masama sa Panginoon.

Ang Kristiyanong Bibliya ay ang tanging pamantayan na dapat gamitin sa ating mga buhay. Ang ibang relihiyon ay maaaring mag-alok ng isang alternatibo sa Biblia ngunit sa katotohanan, ang pagdaragdag o pagbabawas ng anumang bagay sa Bibliya ay nagdudulot ng isang sumpa. Basahin ang Apocalipsis 22:19 <http://www.christiananswers.net/dictionary/god.html>// At kung ang sinoman ay mag-alis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.“ Idinadalangin ko na ang bawat isa ay basahin ng maigi ang mga talata ng kasulatan.


Napakaraming pamantayan na masusunod natin. Ang pagpili sa pagsapi sa Komunista, at/o sa ibang relihiyon ay mapanganib na paniniwala sa kahit anong bansa maliban sa nasasaad sa Kristiyanong Bibliya. Hindi nangangahulugan na hindi na natin mahalin ang ating kababayang NPA o ibang likas na relihiyoso na nakikibahagi sa paghihimagsik. Tayo na kay Kristo ay dapat maging aktibo na ibahagi ang kaligtasang na plano ng Diyos para sa kanila. Doon sa nakakilala sa akin, naaalala nyo pa ba ang aking paglalakbay sa buong Isla ng Panay sa pagbabahagi ng Mabuting Balita sa nakaraan at sa oras na iyon, na katulad din ng kasalukuyang miyembro ng NPA sa pagbabahagi sa kanila na si Jesus ay Panginoon at Taga-Pagligtas. Binigyan ko ang kanilang mga anak ng mga lumang damit upang ipakita sa kanila ang pag-ibig ni Kristo. Ang iba ay tinanong ako kung mapanganib ang ipakilala si Kristo sa mga “NPA.” At ang kadalasan kong sagot, ay “Siyempre” pero alam ninyo kadalasan sa mga taong naghihimagsik ay hindi sila tatalikod sa kanilang mga maling saloobin hanggat wala sinuman na magpapakita sa kanila ng Hesus na sa Bibliya. Ang pag-ibig na kay Kristo ay isang aksyon na salita, at ang simpleng panalangin sa mga naghihimagsik na walang gawa ay hindi Biblical o epektibo.
Aking napagtanto na hindi lahat ay magbabago sa kanilang mapaghimagsik na saloobin sa katotohanan tungkol kay Kristo ngunit tayo na totoong na kay Hesu-Kristo ang kinakailangan na sumubok. May ilan na hindi mahalaga kung ano ang mabuti sa pagbabago, napakalungkot ngunit muli, dapat tayo ay maging ilaw sa mga naliligaw at siyempre kasama na ang mga suwail.
Pastor Paul "Kuya" Waldmiller

Tuesday, December 13, 2011

12/12/2012- ..."Dugong Pera"

Ang Lingguhang Katotohanan sa aking Kababayan

12/12/2012- ..."Dugong Pera"

Naibalita na ang taga America ay nag alok na magbibigay ng US$50 Million upang ipasa ang Reproductive Health Bill (RH Bill). Habang ang gobyerno ng America ay bumibili ng boto sa mga ilang liderato sa ating gobyerno, naiisip ko lamang na ang dugo ay sa kamay ng mga ilan na makibahagi sa pagtanggap ng suhol upang patayin ang mga sanggol habang ito'y sa sinapupunan pa ng kanilang mga nanay.
Paano nakakayan ng ilan na tumanggap ng pera upang isulong ang pagpatay lalo na ang mga bata? Talagang totoo ang aking naririnig, maraming beses na ng ako'y nasa probensya ng Iloilo na ang buhay ng Pilipino, ay katumbas lamang ng presyo ng isang manok? Ito ba ay talagang totoo kahit sa ating mga anak na di pa naisisilang?

Ano kaya tayo bilang tao na tatanggap ng pera upang pumatay ng bata? Gusto ba talaga nating maging katulad ng taga America o anumang ibang kultura na pumatay ng bata sa ganito lang? Paano natin iisipin at ano ang tingin sa atin ng Diyos sa ganoong karumaldumal na pananaw sa buhay?
Kailangan nating ihiwalay ang ating sarili sa ganyang kasamaan. Wala akong pakialam kung gaano kabantog ang taga America o taga-Kanluran, huwag na huwag po nating ibaba ang ating sarili upang maging katulad ng demonyo. Ang patayin ang ating mga anak ay katulad ng ginawang kamalian ng mga Israelita na inialay ang kanilang mga anak sa paganong diyos ng taga Moloch. Sinabi ng Diyos sa Leviticus 18:21 “At huwag kang magbibigay ng iyong binhi, na iyong palilipatin kay Moloch sa pamamagitan ng apoy; ni huwag mong lalapastanganin ang pangalan ng iyong Dios: ako ang Panginoon.”

Tuesday, December 6, 2011

Ang Lingguhang Mensahe Para Sa Pamilyang Pilipino 6/12/2012

Ang Lingguhang Mensahe Para Sa Pamilyang Pilipino 6/12/2012

Pagbati Kababayan,


Itong linggo, nais kung ibahagi sa inyo na kinakailangang nakatuon sa Diyos at sa Bibliya anuman ang mga nararanasan na mga personal na paghihirap o mga sakuna. Karamihan sa inyo ay alam na alam ang mga paghihirap ng mga tao. Kinakailangan nating gawin na ituon sa Diyos ang anumang paghihirap sa buhay, ito pa rin ang inaasahan ng Diyos sa atin. Kahit na tayo o ang ating mga pamilya ay lubos na nahihirapan, hindi pa rin dapat gumawa ng mga pamamaraan na hindi ayon sa Bibliya. Marami akong nakita sa ating mga Kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa upang makapagpadala sa kanilang mga pamilya at magkaroon ng magandang pamumuhay. Hindi ko sila sinisisi kung ginagawa nila yon ngunit kung nakikita natin ang ang mga Kababayan na nasasangkot sa mga ilegal na gawain upang matustusan ang kanilang sarili at mga pamilya, ang aking puso ay nadudurog. Kinakailangang suriin natin ang ating sarili bilang tao, ano ba ang mabuting pakinabang upang ikaw ay masangkot sa ilegal na gawain? At ito pa; naniniwala ba silang hindi sila mahuhuli o hindi sila nakikita ng Diyos?
Tumataas ang bilang sa ating mga kababayan sa ibang bansa na nakabilango dahil sa pagpuslit ng mga ilegal na droga o ipinagbibili. Kasinungalingang naniniwala sila na “madali” kumita ng pera sa mga ilegal na gawain. Siguru sa kanilang isipan, hindi naman nakakasama sa ibang tao kung sila ay magdala o magbinta. Sa Pilipinas, ang pinakamalawak at malaking problema ay ang alak kung saan (sa kasamaang-palad) legal na droga. Gayunman, ang sumunod na malaking problema ay ang Shabu. Hindi lamang ito ilegal na droga ito ay may pinakamataas na nakakaadikt at mapanganib. Maraming buhay, pamilya at magandang trabaho ang nasira dahil sa Shabu at iba pang mapanganib na gamot na pampamanhid kagaya ng marijuana. Paano kaya nila nagagawang magpuslit, magdala o magbinta at makibahagi sa mga ipinagbabawal sa Bibliya at hindi nila nakikita na nakakasakit sila sa iba. Syempre ang droga sa paggamit/pagbinta/pagpuslit ay hindi lamang ilegal at ipinagbabawal sa Bibliya problema. Meron pang iba; pagsusugal, pagnanakaw, panloloob, panggagahasa, pagpatay at iba pa na sinasabi sa Bibliya na huwag tayong gumawa noon.

Aking kababayan, kinakailangan tayong nakasentro sa Diyos. Ang Diyos ay nahahanap ng may dalisay na puso, isang tao na ang motibo ay hindi makasarili. Ang Diyos ay totoong naghahanap ng pusong nakakalugod sa Kanya sa lahat ng angulo ng kanyang buhay, at hindi lamang sa iilang bahagi na gusto nya. Ang maging mayaman, na galing sa ilegal na gawain upang may pambayad sa mga pagkakautang ay siguradong hindi nakakalugod sa Diyos. Kausapin mo ang iyong sarili ngayon; “Ano ang mga maling gawain na ikaw ay kasangkot?” Naniniwala ako na kung sisiyasatin mo ang iyong relasyon kay Hesu-kristo ng may matapat na layunin, ikaw ay mababago at magiging kagaya ka sa iyong Panginoon at Taga-pagligtas. Sumasang-ayon ka ba?
Philippians 1:21 “1:21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang”

Pastor Paul "Kuya" Waldmiller

Sunday, November 27, 2011

Week of 27/11/2012

Week of 27/11/2012

Nakakalungkot ang magbasa ng mga balita ng nakawan sa Gobyerno, katiwalian at kasinungalingan ang nilalaman sa ating lipunan ngayon at nakaraang linggo. Tila ang mga ganitong kasalanan ay hindi na aalis. Ang ating mga liderato sa pamahalaan ay kanya kanyang sisi sa bawat isa sa lahat ng ating problema sa Pilipinas at sa halip na tugunan agad ang problema, ang karamihan ay ituturo ang kamay sa iba upang itago ang kanilang participasyon sa mga maling gawa nila.

Hindi kami bansang masasamang tao-hindi no. Kami lamang ay mga taong puno ng maraming problema. Kami ay ilan sa mga pinakamabait at tapat na tao sa planeta pero ang problema sa katotohanan ay pinahihirapan ang aming sarili. Na ang ibig sabihin ay pinapahiran ang sarili ng higit kaysa sa ibang kultura na ginawa sa amin; mas marami tayong nagawang mga pinsala sa ating lipunan kaysa sa iba dyan ito man ay Tsino o mga Amerikano, mga Hapon o sinuman,.
Ang Bibliya ang mas malimit na gumagabay sa atin upang maisagawang suriin kung sino nga tayo at hindi lamang isang nilalang kundi isang tao/bansa sa harap ng Diyos. Kung alam mo ang iyong Bibliya (sana ay binabasa mo ito ara-araw) at kung alam mo rin na napakamaraming napagdanaanan na pagsubok ang Israel at ang Huda dahil sa binabalewala nila ang Salita ng Diyos. Malinao na nakita natin na tayo ay patungo din sa parehong dereksyon, nakakagawa ng maraming mali kagaya ng Israel at ng Huda na nagawa nila noong una.
Mahal ko ang aking inang bayan at alam kong ikaw din. Ang katotohanan, ang nakawan sa Gobyerno, katiwalian, kasinungalingan at iba pang mga bagay na kasalanan na hindi lamang ang ating mga liderato sa gobyerno ang kasangkot kundi kasama rin tayo; ay nagdadala ng parusa sa ating lahat na mula sa Diyos. Kinakailangan natin na maglaan ng oras upang alamin ang ating mga sarili, ang ating Biblical values upang tingnan kung saan tayo magsisisi at itama ang mga bagay na nagawa sa harap ng Diyos. Ang Bibliya ay ipinapakita sa atin kung ano ang mangyayari sa bansa sa ayaw magsisi at sumunod. At kung merong ayaw na mangyari ang kapahamakan dahil sa atin o ng iba at ayaw pa ring mamuhay ng maka-Diyos sa katotohanan ito ay; tayo ay nahihirapan na at nagmamakaawa sa ating mga nararanasang kapighatian. Ang aking dalangin na si Presidente Aquino ay tumawag ng pambansang araw upang humingi ng tawad sa ating Diyos na nasa Bibliya at hindi lamang na tayong nasa ibang bansa ang makilahok kundi maging lahat ng ating mga liderato sa gobyerno.

2Chronicles 7:14 “Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain. “

Pastor Paul "Kuya" Waldmiller