Wednesday, January 4, 2012

5/1/2012 Ang Espiritu ng Paghihimagsik....

Ang Espiritu ng Paghihimagsik....


Walang duda na ang paghihimagsik/pagrerebelde ay problema sa Pilipinas. Ang paghihimagsik na aking sinasabi ay hindi sa mga namumuno sa gobyerno, kundi ang aking sinsabi sa oras na ito ay sa mga grupo ng NPA at ng Muslim na naghahanap ng batas na humiwalay, lupain, at bansa na hiwalay sa Pilipinas.

Ang Pilipinas sa kasamaang-palad ay may kasaysayan ng pagkagalit pagdating sa paghihimagsik. Ito ay matapos ang lahat, na ang Pilipinas ay napakabata pang republika kumpara sa iba pang mga bansa para baguhin ng maaga ang dulot na pagkagalit na natural. Para bang mayroong magandang dahilan sa nakalipas upang tumindig laban sa mga banyagang maniniil ngunit ngayon mula na ang ating Republika ay natatag noong 1946 bagay na ibang iba na. Ang Pilipinas ay isang bansa na kayang-kaya magsalita tungkol sa kalayaan, buhay at relihiyon. Ang mga kalayaan na ito ay isang pagpapala ngunit sa kabilang dako ay nagiging isang sumpa. Kinakailangan nating maunawaan kung ano ang Salita ng Diyos na nasasaad patungkol sa pagsunod kung ano ang mabuti and ano ang masama sa Panginoon.

Ang Kristiyanong Bibliya ay ang tanging pamantayan na dapat gamitin sa ating mga buhay. Ang ibang relihiyon ay maaaring mag-alok ng isang alternatibo sa Biblia ngunit sa katotohanan, ang pagdaragdag o pagbabawas ng anumang bagay sa Bibliya ay nagdudulot ng isang sumpa. Basahin ang Apocalipsis 22:19 <http://www.christiananswers.net/dictionary/god.html>// At kung ang sinoman ay mag-alis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.“ Idinadalangin ko na ang bawat isa ay basahin ng maigi ang mga talata ng kasulatan.


Napakaraming pamantayan na masusunod natin. Ang pagpili sa pagsapi sa Komunista, at/o sa ibang relihiyon ay mapanganib na paniniwala sa kahit anong bansa maliban sa nasasaad sa Kristiyanong Bibliya. Hindi nangangahulugan na hindi na natin mahalin ang ating kababayang NPA o ibang likas na relihiyoso na nakikibahagi sa paghihimagsik. Tayo na kay Kristo ay dapat maging aktibo na ibahagi ang kaligtasang na plano ng Diyos para sa kanila. Doon sa nakakilala sa akin, naaalala nyo pa ba ang aking paglalakbay sa buong Isla ng Panay sa pagbabahagi ng Mabuting Balita sa nakaraan at sa oras na iyon, na katulad din ng kasalukuyang miyembro ng NPA sa pagbabahagi sa kanila na si Jesus ay Panginoon at Taga-Pagligtas. Binigyan ko ang kanilang mga anak ng mga lumang damit upang ipakita sa kanila ang pag-ibig ni Kristo. Ang iba ay tinanong ako kung mapanganib ang ipakilala si Kristo sa mga “NPA.” At ang kadalasan kong sagot, ay “Siyempre” pero alam ninyo kadalasan sa mga taong naghihimagsik ay hindi sila tatalikod sa kanilang mga maling saloobin hanggat wala sinuman na magpapakita sa kanila ng Hesus na sa Bibliya. Ang pag-ibig na kay Kristo ay isang aksyon na salita, at ang simpleng panalangin sa mga naghihimagsik na walang gawa ay hindi Biblical o epektibo.
Aking napagtanto na hindi lahat ay magbabago sa kanilang mapaghimagsik na saloobin sa katotohanan tungkol kay Kristo ngunit tayo na totoong na kay Hesu-Kristo ang kinakailangan na sumubok. May ilan na hindi mahalaga kung ano ang mabuti sa pagbabago, napakalungkot ngunit muli, dapat tayo ay maging ilaw sa mga naliligaw at siyempre kasama na ang mga suwail.
Pastor Paul "Kuya" Waldmiller

No comments:

Post a Comment