Pagbati Kababayan,
Ako ay mayroong napakagandang tugon sa aking nakaraang blog artikulo ng aking Black Robe Regiment Pastor na kung saan nakausap ko kayong lahat na aking Pilipinong kababayan. Sa petsang ito, ang ilan sa inyo ay malinaw na kinawiwilihang magbabasa ng aking "espesyal na mensahe" dahil ang ilan sa inyo ay patuloy na nagbabasa pa nito hanggang ngayon. http://blackroberegimentpastor.blogspot.com/2011/03/special-message-to-my-kababayanfilipino.html
Kung hindi nyo pa ako nakikilala ngayon, OK lang. Ako ay isang (ampon)adopted Pilipino . Ang aking pagiging anak na taga Pilipinas ay nagpapatunay ng mga ilang Kristiyanong Pastors noong mahabang panahon na rin. Sa katunayan, ako ay pabalikbalik na nagmiministeryo sa Pilipinas mula pa noong 1999. Habang ako ay nasa Pilipinas, ako ay mayroong nakasamang iilang Pastors na nagsabi sa akin (ang iba ay lumuluha pa na sinabi ito) na ako ay mayroong pusong Pilipino. Purihin ang Makapangyarihang Diyos na syang aking pinaglilingkuran na syang tugon sa paghahayag ng kanilang nakita sa akin. Aking ibinabahagi si Hesu-Kristo, sa maraming lugar sa Pilipinas kasama na ang mga kuta ng NPA sa Mambusao, Capiz at sa mga kalapit na lugar, at maging sa mga batang kalye sa Metro Manila. Ako ay hindi nakatala at hindi documentadong mamamayang Pilipino na ibinuhos sa Pilipinas sa pamamagitan ng Diyos mismo.
Ang aking lingguhang mensahe sa inyo ay patungkol sa ating pamanang Pilipino at ang ating kailangang gabay mula sa Bibliya upang makatulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Aking nais na sabihin sa lahat ng aking pamilyang Pilipino dito sa kanilang bayan o sa ibang bansa man ay kung paano si Hesus na nasa Bibliya ang lahat ng kasagutan sa ating mga problema na nagmumula sa kanya. Gusto kong maging malinaw dito, hindi ko kukunin lamang ang bahagi ng relihiyon. Ang Bibliya ang malinaw, si Hesus ay hindi interesado sa relihiyon. Si Hesus ay interesado sa ating personal na relasyon sa Kanya upang makamtan ang walang hanggan at pagpapala habang dito pa tayo sa mundo at sa kabilang buhay kapag tayo ay namatay na. Sigurado ako na pana-panahon at paminsan-minsan,hindi mo magugustuhan ang aking isusulat, pero nais ko lamang na kayo'y hamonin na mag-isip. Pag-iisip na hindi galing sa inyong sariling puso't isipan kundi ang pag-iisip na taglay ni Kristo.
Ako ay magbibigay ng oras upang paulit-ulit na ipakita sa inyo na ang ating kulturang Pilipino ay hindi bago, subalit dahil tayo ay sapilitang pinatanggap ng maraming bagay sa ating bansa ng mga nakaraan at ibang kultura sa halip ang sa atin ay kakaiba, naligaw ang ating mga sarili sa relihiyon at mga bagay na hindi sang-ayon sa Bibliya. Sa kasalukuyan habang ang ibang bansa ay namamayagpag sa kasagana- an marami sa ating mga kababayan, lalo na yaong namamalagi lamang sa kanilang tahanan ay nanatiling mahirap at namumuhay lamang sa mababang antas. Kadalasang pagkakamali ng mga Pilipino ay ang patuloy na pagpapakilala ng nakasanayang pananampalataya ngunit salungat naman sa tunay na sinasabi ng Bibliya. Ito ang nagbibigay ng maling pagtutulak doon sa mga nakikitang pagbabalat kayong maunlad. Ang katotohan kahit na, sa karamihan ang sinasabi na maunlad ay kabaligtaran kung ano ang nakasaad sa Bibliya-malinaw at simple.
Maraming panahon na ang nakalipas, tayo ay dinurog sa kultura ng mapanupil na Espanyol na pumatay sa ating mga kalalakihan, ginahasa ang ating mga kababaihan at ginamit ang ating mga anak bilang mga alipin pagkatapos ay sapilitang ipasunod ang relihiyon sa halip sana ay relasyong may pag-ibig kay Hesu-Kristo na sinasabi sa Bibliya. Kagaya ng ibang bansa na sinakop din ng mga mapanupil na Espanyol sa mga nakalipas na panahon, ang ating kultura ay sinumpa at nagdala ng kaparehong sakit sa ating mga kababayan sa mga ginawa ng mga Espanyol sa atin. Sa karagdagan, nakikita natin ang mga mahihirap ay nagnanakaw sa kapwa sa halip na sa Diyos ay umasa at magtiwala kung saan sila kukuha ng kanilang pananalaping pangangailangan. Pagpatay, pangunguwalta at katiwalian ay pumapalibot sa atin at sa ating mga pamilya. Sinasabi ko ang totoo, simpleng basahin ang unang pahina sa mga balita ng isang araw. Bilang Pilipino, naniniwala tayo at nararamdamang tayo ay malayang tao, pero ang katotohanan, tayo ay alipin sa mga dayuhan. Ang ating pamilya ay nagdurusa dahil karamihan sa atin ay nagtatrabaho sa ibang bansa upang masuportahan ang mga pamilyang naiwan. Ikaw na nasa tahanan ay umiiyak at nalulumbay ng lubusan, kami rin ay umiiyak at nananabik din sa iyo. At hindi dapat ganito ang kahihinatnan. Ang Diyos sa Bibliya ay may mas magandang plano para sa Pilipinas at kung bawat isa sa atin ay sama-samang isuko sa Kanyang Anak na si Hesu-Kristo na nasa Bibliya.
Nakikiusap po ako na samahan ninyo ako ngayon sa lingguhang paglalakbay kung sino nga tayo, tao, bansa na nagnanais ng totoong kalayaan at ang karunungang makakamtan sa pagtitiwala kay Hesu-Kristo at sa Bibliya upang maganap kung sino talaga ang dakila na bansa sa buong mundo, kung uunahin lamang natin si Hesus na sa Bibliya.
Ang iyong mapagmahal na Kababayan – Pastor Paul “Kuya” Waldmiller
No comments:
Post a Comment