Sunday, January 15, 2012

Sakripisyo....

Sakripisyo.... 


Alam mo ba talaga ang pagpapakasakit para sa iba? Gusto kong ipagpalagay na nais mong tulungan ang iyong pamilya kahit na sakripisyo para sa isang kaibigan, ngunit nais mo bang magsakripisyo para sa isang taong hindi kilala? Si Jesus sa Bibliya ay naniniwala sa sakripisyo na nasasaad sa Juan 3:16 "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Ang Diyos ay hindi na magpadala ng Kanyang kaisa-isang Anak upang mamatay para sa atin, ngunit sapat na ang pag-ibig niya sa atin at dapat nating papurihan ang Panginoon para sa ganyang desisyon. Kahit na ang Biblia ay nagsasabing kilala na Niya tayo bago pa itatag ang pundasyon ng lupa na ating kinatatayuan, alam ng Diyos na Siya mismo ang nagsasakripisyo para sa atin.
 Nasusulat sa Bibliya na ang pamamaraan ng Diyos ay hindi pamamaraan ng tao at kinakailangan na ang ating mga paningin ay nakatoon kay Hesus na napako. Ang gusto palagi ng ating laman ay taliwas sa Salita ng Diyos at napakahirap gawin ang nasasaad sa Bibliya kung wala ang tulong ng Banal na Espiritu. Marami akong nakikita sa aking mga kababayan na nahihirapan sa kasusubok na malugod ang Diyos sa pamamagitan ng relihiyosong mga gawa, sa halip na sa pamamagitan ng tulong ng Banal na Espiritu at personal na relasyon kay Hesus (hindi ang relasyon sa mga guru, pari, sa simbahan o mga patakaran) na maging masipag ngunit hindi sa mga bagay ukol sa Diyos at ang tugmang bagay sa Bibliya ay nagsasabi sa tamang relasyon sa Diyos. 

Ang pagsasakripisyo lamang ay hindi makakalugod sa Diyos. Hindi, ang Diyos gusto Niya tayo na magkaroon ng totoo at personal na relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu-Kristo. Walang relihiyon, walang patakaran, walang gawang Pilipino na relihiyon ang makapagbibigyan sa iyo kung ano ang nilalayon sa lahat ng tao, lahat ng kultura at sa lahat ng oras; Iyan ang totoong mapagmahal na relasyon sa Diyos. Kinakailangan kung tanungin kita......pagod ka na ba? Pagod na mamuhay sa buhay na walang kahulugan sa mga gawain na hindi 100 porsiyento na may garantisadong pangako sa Bibliya na magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos at sa buhay na walang hanggan kapag ang iyong katawan ay namatay? Pagkatapos aking kaibigan, dapat kang tumingin sa tunay na dahilan ng iyong pakikibaka. Ang iyong mga sakripisyo dito sa lupa ay walang kabuluhan kung wala ang una, personal na kaugnayan doon sa gumagabay sa atin kung ano ang Siyang nais Niyang ipagawa sa atin na naaayon sa Bibliya.
Ang sakripisyo o ang gawa lamang ay hindi man kahit kailan makakapagligtas sa atin sa walang hanggang kapahamakan sa impyerno.
Mga Taga-Efeso 2:8-9 Ito ay sapagkat sa biyaya kayo
     naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa
     inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. ^9 Ito ay hindi dahil sa
     gawa upang hindi magmalaki ang sinuman.
Tayo ay nagsasakripisyo sa mga bagay na iniuutus sa atin ng ating Panginoong Hesu-Kristoat ito ay palaging para sa Kanyang kaluwalhatian; hindi para sa atin. Aking mga kaibigan, hinihiling ko sa iyo pagmasdan mo ang iyong relihiyon. Tingan mo kung ang iyong pananampalataya ay naaayon sa Bibliya na walang pagmamanipula o katiwalian. Ang oras ay malapit na sa muling pagbabalik si Kristo. Siguraduhin mong ikaw ay sa tumpak at tamang paninindigan sa Kanya kapag Siya ay muling nagpakita at ang iyong sakripisyo ay hindi maging walang kabuluhan.
Pastor Paul "Kuya" Waldmiller

Wednesday, January 4, 2012

5/1/2012 Ang Espiritu ng Paghihimagsik....

Ang Espiritu ng Paghihimagsik....


Walang duda na ang paghihimagsik/pagrerebelde ay problema sa Pilipinas. Ang paghihimagsik na aking sinasabi ay hindi sa mga namumuno sa gobyerno, kundi ang aking sinsabi sa oras na ito ay sa mga grupo ng NPA at ng Muslim na naghahanap ng batas na humiwalay, lupain, at bansa na hiwalay sa Pilipinas.

Ang Pilipinas sa kasamaang-palad ay may kasaysayan ng pagkagalit pagdating sa paghihimagsik. Ito ay matapos ang lahat, na ang Pilipinas ay napakabata pang republika kumpara sa iba pang mga bansa para baguhin ng maaga ang dulot na pagkagalit na natural. Para bang mayroong magandang dahilan sa nakalipas upang tumindig laban sa mga banyagang maniniil ngunit ngayon mula na ang ating Republika ay natatag noong 1946 bagay na ibang iba na. Ang Pilipinas ay isang bansa na kayang-kaya magsalita tungkol sa kalayaan, buhay at relihiyon. Ang mga kalayaan na ito ay isang pagpapala ngunit sa kabilang dako ay nagiging isang sumpa. Kinakailangan nating maunawaan kung ano ang Salita ng Diyos na nasasaad patungkol sa pagsunod kung ano ang mabuti and ano ang masama sa Panginoon.

Ang Kristiyanong Bibliya ay ang tanging pamantayan na dapat gamitin sa ating mga buhay. Ang ibang relihiyon ay maaaring mag-alok ng isang alternatibo sa Biblia ngunit sa katotohanan, ang pagdaragdag o pagbabawas ng anumang bagay sa Bibliya ay nagdudulot ng isang sumpa. Basahin ang Apocalipsis 22:19 <http://www.christiananswers.net/dictionary/god.html>// At kung ang sinoman ay mag-alis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.“ Idinadalangin ko na ang bawat isa ay basahin ng maigi ang mga talata ng kasulatan.


Napakaraming pamantayan na masusunod natin. Ang pagpili sa pagsapi sa Komunista, at/o sa ibang relihiyon ay mapanganib na paniniwala sa kahit anong bansa maliban sa nasasaad sa Kristiyanong Bibliya. Hindi nangangahulugan na hindi na natin mahalin ang ating kababayang NPA o ibang likas na relihiyoso na nakikibahagi sa paghihimagsik. Tayo na kay Kristo ay dapat maging aktibo na ibahagi ang kaligtasang na plano ng Diyos para sa kanila. Doon sa nakakilala sa akin, naaalala nyo pa ba ang aking paglalakbay sa buong Isla ng Panay sa pagbabahagi ng Mabuting Balita sa nakaraan at sa oras na iyon, na katulad din ng kasalukuyang miyembro ng NPA sa pagbabahagi sa kanila na si Jesus ay Panginoon at Taga-Pagligtas. Binigyan ko ang kanilang mga anak ng mga lumang damit upang ipakita sa kanila ang pag-ibig ni Kristo. Ang iba ay tinanong ako kung mapanganib ang ipakilala si Kristo sa mga “NPA.” At ang kadalasan kong sagot, ay “Siyempre” pero alam ninyo kadalasan sa mga taong naghihimagsik ay hindi sila tatalikod sa kanilang mga maling saloobin hanggat wala sinuman na magpapakita sa kanila ng Hesus na sa Bibliya. Ang pag-ibig na kay Kristo ay isang aksyon na salita, at ang simpleng panalangin sa mga naghihimagsik na walang gawa ay hindi Biblical o epektibo.
Aking napagtanto na hindi lahat ay magbabago sa kanilang mapaghimagsik na saloobin sa katotohanan tungkol kay Kristo ngunit tayo na totoong na kay Hesu-Kristo ang kinakailangan na sumubok. May ilan na hindi mahalaga kung ano ang mabuti sa pagbabago, napakalungkot ngunit muli, dapat tayo ay maging ilaw sa mga naliligaw at siyempre kasama na ang mga suwail.
Pastor Paul "Kuya" Waldmiller