Tuesday, December 13, 2011

12/12/2012- ..."Dugong Pera"

Ang Lingguhang Katotohanan sa aking Kababayan

12/12/2012- ..."Dugong Pera"

Naibalita na ang taga America ay nag alok na magbibigay ng US$50 Million upang ipasa ang Reproductive Health Bill (RH Bill). Habang ang gobyerno ng America ay bumibili ng boto sa mga ilang liderato sa ating gobyerno, naiisip ko lamang na ang dugo ay sa kamay ng mga ilan na makibahagi sa pagtanggap ng suhol upang patayin ang mga sanggol habang ito'y sa sinapupunan pa ng kanilang mga nanay.
Paano nakakayan ng ilan na tumanggap ng pera upang isulong ang pagpatay lalo na ang mga bata? Talagang totoo ang aking naririnig, maraming beses na ng ako'y nasa probensya ng Iloilo na ang buhay ng Pilipino, ay katumbas lamang ng presyo ng isang manok? Ito ba ay talagang totoo kahit sa ating mga anak na di pa naisisilang?

Ano kaya tayo bilang tao na tatanggap ng pera upang pumatay ng bata? Gusto ba talaga nating maging katulad ng taga America o anumang ibang kultura na pumatay ng bata sa ganito lang? Paano natin iisipin at ano ang tingin sa atin ng Diyos sa ganoong karumaldumal na pananaw sa buhay?
Kailangan nating ihiwalay ang ating sarili sa ganyang kasamaan. Wala akong pakialam kung gaano kabantog ang taga America o taga-Kanluran, huwag na huwag po nating ibaba ang ating sarili upang maging katulad ng demonyo. Ang patayin ang ating mga anak ay katulad ng ginawang kamalian ng mga Israelita na inialay ang kanilang mga anak sa paganong diyos ng taga Moloch. Sinabi ng Diyos sa Leviticus 18:21 “At huwag kang magbibigay ng iyong binhi, na iyong palilipatin kay Moloch sa pamamagitan ng apoy; ni huwag mong lalapastanganin ang pangalan ng iyong Dios: ako ang Panginoon.”

Tuesday, December 6, 2011

Ang Lingguhang Mensahe Para Sa Pamilyang Pilipino 6/12/2012

Ang Lingguhang Mensahe Para Sa Pamilyang Pilipino 6/12/2012

Pagbati Kababayan,


Itong linggo, nais kung ibahagi sa inyo na kinakailangang nakatuon sa Diyos at sa Bibliya anuman ang mga nararanasan na mga personal na paghihirap o mga sakuna. Karamihan sa inyo ay alam na alam ang mga paghihirap ng mga tao. Kinakailangan nating gawin na ituon sa Diyos ang anumang paghihirap sa buhay, ito pa rin ang inaasahan ng Diyos sa atin. Kahit na tayo o ang ating mga pamilya ay lubos na nahihirapan, hindi pa rin dapat gumawa ng mga pamamaraan na hindi ayon sa Bibliya. Marami akong nakita sa ating mga Kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa upang makapagpadala sa kanilang mga pamilya at magkaroon ng magandang pamumuhay. Hindi ko sila sinisisi kung ginagawa nila yon ngunit kung nakikita natin ang ang mga Kababayan na nasasangkot sa mga ilegal na gawain upang matustusan ang kanilang sarili at mga pamilya, ang aking puso ay nadudurog. Kinakailangang suriin natin ang ating sarili bilang tao, ano ba ang mabuting pakinabang upang ikaw ay masangkot sa ilegal na gawain? At ito pa; naniniwala ba silang hindi sila mahuhuli o hindi sila nakikita ng Diyos?
Tumataas ang bilang sa ating mga kababayan sa ibang bansa na nakabilango dahil sa pagpuslit ng mga ilegal na droga o ipinagbibili. Kasinungalingang naniniwala sila na “madali” kumita ng pera sa mga ilegal na gawain. Siguru sa kanilang isipan, hindi naman nakakasama sa ibang tao kung sila ay magdala o magbinta. Sa Pilipinas, ang pinakamalawak at malaking problema ay ang alak kung saan (sa kasamaang-palad) legal na droga. Gayunman, ang sumunod na malaking problema ay ang Shabu. Hindi lamang ito ilegal na droga ito ay may pinakamataas na nakakaadikt at mapanganib. Maraming buhay, pamilya at magandang trabaho ang nasira dahil sa Shabu at iba pang mapanganib na gamot na pampamanhid kagaya ng marijuana. Paano kaya nila nagagawang magpuslit, magdala o magbinta at makibahagi sa mga ipinagbabawal sa Bibliya at hindi nila nakikita na nakakasakit sila sa iba. Syempre ang droga sa paggamit/pagbinta/pagpuslit ay hindi lamang ilegal at ipinagbabawal sa Bibliya problema. Meron pang iba; pagsusugal, pagnanakaw, panloloob, panggagahasa, pagpatay at iba pa na sinasabi sa Bibliya na huwag tayong gumawa noon.

Aking kababayan, kinakailangan tayong nakasentro sa Diyos. Ang Diyos ay nahahanap ng may dalisay na puso, isang tao na ang motibo ay hindi makasarili. Ang Diyos ay totoong naghahanap ng pusong nakakalugod sa Kanya sa lahat ng angulo ng kanyang buhay, at hindi lamang sa iilang bahagi na gusto nya. Ang maging mayaman, na galing sa ilegal na gawain upang may pambayad sa mga pagkakautang ay siguradong hindi nakakalugod sa Diyos. Kausapin mo ang iyong sarili ngayon; “Ano ang mga maling gawain na ikaw ay kasangkot?” Naniniwala ako na kung sisiyasatin mo ang iyong relasyon kay Hesu-kristo ng may matapat na layunin, ikaw ay mababago at magiging kagaya ka sa iyong Panginoon at Taga-pagligtas. Sumasang-ayon ka ba?
Philippians 1:21 “1:21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang”

Pastor Paul "Kuya" Waldmiller