Tuesday, February 21, 2012

“Bakit mayroong pag-aaway sa bawat isa?” 22/2/2012

“Bakit mayroong pag-aaway sa bawat isa?” 22/2/2012

Nakikita mo ba na minsan ang ating matamis na pagmamahalan sa isat-isa'y nawawala? Sa isang punto, tayong mga Filipino ay kilala sa kultura ng pagiging malambing at palakaibigang pamilya sa buong mundo. Ang paggalang sa magulang, lolo at lola, ninongs, ninangs at sa mga nakakatanda sa buong pamilya ay karaniwan. Sa ngayon, hindi lamang natin nakikita ang pagtaas ng labanan sa ating kapitbahay, Tumaas na rin ang labanan sa pagitan ng anak at magulang o kapatid.

Nasasaad sa Bibliya sa Santiagao 3:16 “Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama. “ Sa pagtuon ng ating paningin sa krus ni Hesu-Kristo ang siyang makakatulong sa atin upang hindi tayo nakatingin sa ating mga makasariling gusto at upang malayo tayo sa kawalang respeto sa iba.

Ang relihiyon lamang ang nagdiriwang ng part-time o tinatawag na “banal na araw” na maging mabuti sa harapan ni Hesu-Kristo. Ang pagpapako sa krus araw araw na sinasabi sa Lukas 9:23 ang siyang inaasahan ni Hesus na ating gawin. Ang pagkikipag away sa iba at sa mga nararanasan nating problema sa ating pamilya, kapit-bahay at kaibigan ang siyang malaking bahagi sa ating makasariling motibo. Ang relihiyon ay siyang nagpapasiklab o nagdadagdag sa pagkamakasarili. Hindi natin makakamtan ang totoong relasyon kay Jesu-Kristo sa pamamagitan ng pagkarelihiyoso o pagiging banal sa araw ng mga banal lamang. Kinakailangan na isakripisyo natin ang ating mga sarili sa kalooban ng Diyos, titingnan natin kung nasaan na ang iba, at unahin ay ang pang-unawa sa kanilang mga pangangailangan.

Ang respeto ay magiging mahabang daan sa ating relasyon, at nakakatulong upang iwasan ang anumang gulo ngunit ang tunay na mabuting relasyon ay palaging magsisimula at magtatapos sa ating personal na relasyon kay Hesu-Kristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Nakagawa ka na ba ng iyong personal na desisyon upang maiwasan ang relihiyon at kahipoktituhang relihiyon na marka sa iyong katawan maging sa iyong kinikilos at bagkus tanggapin si Hesu-Kristo na iyong Panginoon at Tagapagligtas ng iyong puso? Kinakailangan mo, kilalanin mo Siya ngayon, iwasan ang personal o anumang gulo sa labas.

Pastor Paul “Kuya” Waldmiller  

Friday, February 3, 2012

“Pagtuturo ng Daliri...” Week of 4/2/2012

“Pagtuturo ng Daliri...” Week of 4/2/2012
Ang pagtuturo ng daliri sa ibang tao kung sila ay nakagawa ng kasalanan ay napakagaang gawain at gustong ilihis sa mga tao na makita ang iyong kasalanan. Marami akong nakitang tao na nakaturo ang kanilang mga daliri sa iba ngayong mga panahon na ito subalit hindi man lamang maglaan ng isang minuto upang suriin ang kanyang sarili.


Ang kasalanan ay karumaldumal na bagay at alam nating lahat ito subalit sinabi ni Hesus sa Mateo 7:5 “Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.
kinakailangang suriin natin ang ating mga sarili upang makita natin ito bago tayo manghusga sa iba. Ang ating mga pambansang namumuno ay kanya kanyang turo ng daliri upang husgahan ang isa't isa na sa iba ay tinatawag ngayon na isang People Power upang alisin ang mga “corrupt na opisyales”, kukunti lang ang nagsasabi sa mga bagay na yon ay nagpapakita kung ano ang kanilang mga nagawa sa mga nakalipas o kasalukuyang katiwalian ay itinuturu sa publiko upang magsisi.


Oo, ang pagsisisi kung saan ito man ay hayagan o sarilinan na inaamin sa harapan ng Diyos at sa iba na nagawa nilang kasalanan at pagbabago mula sa masama patungo sa kabutihan, ay kinakailangang gawin bago magturo ng kanilang mga daliri sa mali ng iba. Hindi ko nakikita ang sino man sa ating mga nahalal at ibang opisyales sa gobyerno na sa kasalukuyan ay mayroong pagsisisi na ginagawa, karamihan lang ay pareho, gusto na ilihis ang masamang bagay ng kanilang nagawa para sa iba. Ang problema, sa ganyang pag-uugali ay nakikita ng Diyos ang kanilang puso kahit hindi nakikita ng iba.


Pinaalalahan ko lang po ang karamihan, tayo ay nabubuhay sa mundong ito na puno ng kasalanan subalit si Hesus ay mayroong mabigat na salita doon sa mga nagsasabing mahal nila si Hesus ngunit gumagawa ng kabaligtaran sa gustong ipinapagawa Niya. Tayo ba ay “hipokrito” na tinawag ni Hesus na relihiyoso namamahala sa gobyerno sa kapanahunan niya?


Ang aking dalangin sa ating lahat ay tigilan na ang pagtuturo ng ating daliri kasama na ang ating mga namamahala ay suriin muna ang puso hanggat sa magkaroon ng pambansang oras ng pagsisisi at totoong pagbabago.

Pastor Paul “Kuya” Waldmiller